Bagong loan ng Pilipinas sa World Bank na $450 Million, aprubado na
Inaprubahan ng World Bank ang bagong 450 million dollar o halos 21 billion pesos na loan ng Pilipinas na magdadagdag sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa susunod na apat na taon.
Naganap ang pag-aapruba sa Social Welfare Development and Reform Project II (SWDRP2) noong Biyernes, February 19 ng board of executive directors ng World Bank
Ayon sa isang pahayag, sasakupin nito ang pitong porsyento ng kabuuang gagastusin sa pagpapatupad ng 4Ps na kilala rin bilang Conditional Cash Transfer o CCT program simula 2016 hanggang 2019.
Karamihan sa halagang gagastusin sa 4Ps ay manggagaling pa rin sa annual national budget.
Ayon kay Cecilia Vales, ang acting country director for the Philippines ng World Bank, matibay ang suporta ng pandaigdigang bangko sa CCT dahil naniniwala sila na makakatulong ito sa kahirapan ng bansa.
Sa kasalukuyan, aabot sa mahigit apat na milyong mahirap na pamilya ang nakikinabang sa naturang programa kabilang na ang labing isang milyong mga bata.
Ayon sa World Bank, makikita sa pinakahuling pag-aaral na bumaba sa 6.7 percentage points ang total poverty at food poverty ng mga CCT beneficiary dahil sa naturang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.