Ilang lalawigan kalapit ng Metro Manila maagang uulanin
Maagang makararanas ng pag-ulan dahil sa thunderstorm ang ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 5:12 ng umaga ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang marararnasan sa Rizal, Bulacan, Bataan, Cavite, at Batangas sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang mararanasan sa Real, Quezon; at sa mga bayan ng Santa Maria, Famy, at Siniloan sa Laguna.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.