Rizalito David, umapela sa Korte Suprema sa kanyang kandidatura

By Ricky Brozas February 21, 2016 - 07:20 AM

rizalito david 2
Inquirer file photo

Umapela na sa Supreme Court si Rizalito David para hilinging baliktarin ang naunang desisyon ng hukuman na pumapabor sa ginawang pagkansela ng Commission on Elections o Comelec sa kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-pangulo.

Ito ay sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration na kanyang inihain sa SC.

Sa naunang desisyon ng SC, hindi nito nakitaan ng grave abuse of discretion ang desisyon ng Comelec na ideklara si David bilang nuissance candidate dahil wala raw siyang lehitimong intensyon para tumakbo sa pagkapangulo.

Hindi umano malinaw ang desisyon ng SC dahil sinabi lamang nito na kinikilala nito ang kapangyarihan ng Comelec na magkansela ng COC.

Hinihiling ni David sa SC na magpalabas ng desisyon na magsasabing hindi dapat maging rekisito sa pagtakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno ang pera.

Isa kasi sa pinagbatayan ng Comelec sa kanilang desisyon ay ang kawalan umano ni David ng kapasidad na magpondo ng nationwide campaign.

TAGS: Rizalito David, Rizalito David

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.