COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 2,772
Pumalo na sa mahigit 2,700 ang mga nagpositibo sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,772 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Huwebes ng gabi (June 18).
Sa nasabing bilang, 2,691 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,652 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 961 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,476 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 215 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,642 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.