Hong Kong Disneyland, balik-operasyon na simula June 18

By Angellic Jordan June 18, 2020 - 11:00 PM

Matapos ang halos limang buwang pagsasara dahil sa COVID-19, opisyal nang nagbalik-operasyon ang Hong Kong Disneyland Park sa June 18.

Sa muling pagbubukas nito, nag-abiso ang pamunuan ng parke na nagpatupad sila ng ilang safety measures para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng guest.

Kabilang dito ang limitadong kapasidad, pinaigting na health procedures at pagpapatupad ng bagong reservation system.

Lahat ng guest na papasok sa parke ay kinakailangang dumaan sa temperature screening at magsuot ng face masks.

Para sa Magic Access members, maaaring makapagpa-reserve walong araw bago ang nakatakdang pagbisita habang ang general guests naman ay pitong araw bago ang araw ng pagbisita.

Nagpapatupad din sa parke ng social distancing sa restaurants, attraction vehicles at iba pang pasilidad.

“Extensions will be provided for unused park tickets, Magic Access memberships and other date-specific products,” abiso ng Hong Kong Disneyland.

“Free cancellations for park tickets and hotel room bookings within the specified period are available,” dagdag pa nito.

TAGS: Hong Kong Disneyland, Inquirer News, lifestyle, Radyo Inquirer news, Hong Kong Disneyland, Inquirer News, lifestyle, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.