Bahagi ng Brgy. Irisan sa Baguio City, isinailalim sa lockdown
Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsailalim sa lockdown ng Purok, Lower Cypress sa Barangay Irisan simula sa Huwebes, June 18.
Ito ay matapos iulat ng local COVID-19 Task Force na residente sa nasabing lugar ang isang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Isasagawa sa kasagsagan ng lockdown ang contact tracing para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Batay sa memorandum no. 86, series of 2020, “until further notice” epektibo ang lockdown sa nasabing lugar.
Ipinaalala ni Magalong na suspendido ang paggamit ng Home Quarantine Pass/Mall at Market Schedule.
“Those who need to access basic necessities may proceed to their satellite market or available rolling stores, or they must coordinate with their Barangay Officials. Exit and entry into these areas is restricted to APORs and those with medical emergencies,” saad pa sa memorandum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.