Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna, umakyat sa 179
Nadagdagan pa ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng lokal na pamahalaan ng Laguna (Huwebes, June 18, 3PM), ang active cases sa lalawigan ay umabot na sa 179 kung saan nadagdagan ng 22 ang bilang ng active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 14
San Pedro (BJMP) – 61
San Pedro (PNP) – 16
Biñan (Larger Community) – 34
Biñan (PNP Custodial Facility) – 4
Santa Rosa – 30
Calamba – 7
Cabuyao – 1
San Pablo – 4
Santa Cruz – 2
Bay – 1
Pila – 1
Calauan – 1
Alaminos – 1
Nagcarlan – 1
Pagsanjan – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 42 na habang ang bilang naman ng naka-recover na ay 371.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 592.
Samantala, nasa 1,511 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.