Buong Visayas, bahagi ng Mindanao makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo June 18, 2020 - 05:47 AM

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang buong Visayas at bahagi ng Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang ITCZ ay maghahatid ng pag-ulan sa buong Visayas at sa CARAGA.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroon ding kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 3 hanggang 5 araw ay wala namang inaasahang bagyo na makaaapekto sa bansa.

 

 

TAGS: Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.