Ilang opisina ng DOJ sa Maynila, isasailalim sa lockdown

By Angellic Jordan June 17, 2020 - 08:13 PM

Isasailalim sa lockdown ang ilang opisina ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura sa Maynila.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinag-utos niya ang pagpapatupad ng lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang limang empleyado ng kagawaran.

Ilalagay sa lockdown ang bagong NPS building at annex building malapit sa Court of Appeals dahil sa posibleng exposure sa mga empleyado na tinamaan ng nakakahawang sakit.

Epektibo ang lockdown simula sa Huwebes, June 18, hanggang sa June 28.

Sa kasagsagan ng lockdown, magsasagawa rin ng disinfection at contact tracing.

Magbabalik naman ang on-site work sa June 29 habang tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng mga empleyado sa bahay.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 positive, COVID-19 update, DOJ lockdown, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 positive, COVID-19 update, DOJ lockdown, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.