Regular na klase, inirekomendang gawin sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19

By Erwin Aguilon June 17, 2020 - 03:29 PM

FILE PHOTO

Ipinarerekonsidera ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19 at limitado ang digital capacity.

Ayon kay Alvarez, bukod sa hindi lahat ay may access sa internet at may kakayahang bumili ng gadgets, mayroon ding mga pamilya na walang radyo o telebisyon sa bahay na magagamit sa distance learning.

Nababahala rin ang kongresista dahil mismong ang mga guro ay hindi aniya handa sa ganitong sistema kaya baka mabigo rin ang layuning mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga bata.

Paliwanag pa nito, maaaring ang istratehiya para sa Metro Manila at iba pang highly urbanized cities ay hindi epektibo sa ibang lugar dahil sa magkakaibang sitwasyon.

Sabi ni Alvarez, kailangan ng area-specific approach sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante para walang mapag-iwanan.

Dahil dito, igiit ng Mindanaon solon na dapat payagan ang pagdaraos ng regular na klase sa mga lugar na hindi naman high-risk ang pagkalat ng COVID-19.

TAGS: COVID-19 Inquirer, deped, distance learning, face-to-face classes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Pantaleon Alvarez, COVID-19 Inquirer, deped, distance learning, face-to-face classes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Pantaleon Alvarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.