Halos 800 local chief executives nagpahayag ng suporta sa Anti-Terror Bill
By Chona Yu June 17, 2020 - 10:09 AM
Patuloy na umaani ng suporta mula sa local chief executives ang Anti-Terror Bill.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa 784 local chief executives na ang nagpahayagag ng suporta sa panukalang batas.
Sa naturang bilang, 43 ang governors, 68 ang city mayors at 673 ang municipal mayors.
Nagpapasalamat ang palasyo sa local chief executives sa suporta sa Anti-Terror Bill.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na patuloy pa na inaaral ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.