Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Danding Cojuangco
Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ng negosyanteng si Danding Cojuangco.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking kawalan sa lipunan si Cojuangco.
Ayon kay Roque, isang visionary at mahusay na business leader si Cojuangco.
Malapit din aniya sa tagumpay ng San Miguel Corporation ang kapalaran ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Napakalaking kawalan po sa ating lipunan. Alam natin that Ambassador Cojuangco was a visionary, was a very good business lider. At ang kapalaran ng Pilipinas sa ating ekonomiya ay masyadong malapit sa success story ng san Miguel Corporation na pinamunuan ni Ambassador Cojuangco. Nakikiramay po kami sa pamilya ni Ambassador Cojuangco,” ayon kay Roque.
Si Cojuangco ay pumanaw kagabi sa edad na 85 dahil sa sakit na lung cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.