Mabagal na pamamahagi ng unang bugso ng SAP nais paimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon June 17, 2020 - 08:29 AM

Pinaiimbestigahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang lider ng Kamara ang kalituhan at delay sa pamamahagi ng unang bugso ng social amelioration program (SAP) ng DSWD.

Base sa House Resolution No. 973 na inihain ni Cayetano, nais niyo na magsagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan para ma-review at i-assess ang pagkaantala ng pamumudmod ng SAP sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act.

Layunin din ng resolusyon na makahanap ang pamamaraan upang mapabilis ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno sa mga kababayang apektado ng COVID-19 pandemic.

Partikular na bubusisiin ng Kamarta ang mahaba at kumplikadong proseso sa pamamahagi ng SAP benefits kung saan nakapaloob ang tatlumpung paraan o steps, limang approval na pagdaraanan at hanggang tatlong linggo na completion bago makakuha ng ayuda.

Ayon kay Cayetano, sinusuportahan ng Kamara ang mga ahensya sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa pagtugon sa pandemya pero kailangan na may mapanagot din sa kapalpakan at mabagal na distribusyon ng cash assistance sa mga mahihirap.

Taliwas din aniya ang nangyaring delay sa utos ni Pangulong Duterte na ibigay sa pinakamabilis na paraan ang tulong ng gobyerno.

 

 

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SAP benefits, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Peter Cayetano, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, SAP benefits, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.