Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 52 kilometers Southeast ng Manay bandang 1:33 ng hapon.
18 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.