Empleyado ng DOJ nagpositibo sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2020 - 11:08 AM
Isang empleyado ng Department of Justice (DOJ) ang nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Justice Undersecretary Markk Perete.
Ayon kay Perete, ang pasyente ay isa sa mga empleyado na nagpositibo sa rapid test.
Sa isinagawang confirmatory test kalaunan ay nagpositibo ito sa COVID-19.
Mahigit 500 empleyado ng DOJ ang isinailalim sa rapid testing.
72 sa mga ito ang nagpositibo sa rapid test na pawang isinailalim sa swab test.
Hinihintay pa ang resulta ng swab test ng iba pang empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.