Manila City LGU nakapagsagawa na ng mahigit 12,000 swab tests at mahigit 100,000 rapid tests
Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng mass testing sa COVID-19 ng Manila City Government.
Hanggang kahapon June 14, 2020 umabot na sa 12,497 ang naisagawang swab tests sa lungsod.
224 dito ay naisagawa kahapon.
Habang umabot naman na sa 105,140 ang naisagawang rapid tests.
Kung saan, 2,221 dito ay naisagawa kahapon.
Ginagawa ang tests sa Manila Health Department at sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod gaya ng Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.