Taguig nakapagtala ng 29 pang bagong kaso ng COVID-19
May naitalang dalawampu’t siyam pang bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig City.
Ang mga bagong kaso ay mula sa mga barangay na Bagumbayan, Central Bicutan, Ligid Tipas, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, San Miguel, South Daang Hari, Sta Ana, Tuktukan, Upper Bicutan at Western Bicutan
Sa ngayon ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig ay 573 na.
Simula January 27 hanggang June 15, 2020, umabot na sa 3,751 na suspected COVID-19 cases sa lungsod, 21 ang nasawi at mayroong 120 na naka-recover.
Ang Taguig ay naglungsad ng SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob ang barangay-based testing at ang drive-thru testing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.