Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna, 140 na lamang
Nabawasan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Lunes, June 15, 3PM), ang active cases sa lalawigan ay umabot na sa 140 kung saan nabawasan ng 1 ang bilang ng active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 13
San Pedro (BJMP) – 59
San Pedro (PNP) – 12
Biñan (Larger Community) – 24
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Calamba – 8
Santa Rosa – 11
Los Baños – 0
Cabuyao – 1
San Pablo – 4
Santa Cruz – 2
Calauan – 1
Victoria – 1
Pagsanjan – 1
Alaminos – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 363.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 543.
Samantala, nasa 1,528 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.