China nagbigay ng tatlong milyong kilo ng bigas sa Pilipinas
May donasyon na higit tatlong milyong kilo ng bigas ang gobyerno ng China para sa mga pamilya na lubhang apektado ng COVID-19 crisis sa Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy, ang mga bigas ay naipasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng seaports sa Manila, Cebu at Cagayan de Oro.
Naipaalam na rin sa embahada na nailaan na ng mga kinauukulang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya at isasama ang donasyon sa food packs para sa kalahating milyong pamilya.
Inanunsiyo na rin ng Chinese government ang karagdagang 6.7 milyong kilo ng bigas sa Pilipinas bilang patuloy na pagsuporta sa pakikidigma ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ang mga donasyon ay inasikaso ng Department of Finance, Department of Budget at Bureau of Customs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.