50 e-tricycles, ipinagkaloob ng QC LGU sa Barangay Payatas

By Angellic Jordan June 15, 2020 - 08:34 PM

Ipinagkaloob ng Quezon City government ang 50 e-tricycles sa Barangay Payatas, araw ng Lunes (June 15).

Ayon sa Quezon City LGU, layon nitong makatulong sa mga residente sa lungsod na makapag-hanapbuhay.

Pangungunahan ni Kap. Manuel Guarin ang pamimigay ng e-trikes sa naturang barangay.

Target na ibigay ang e-trikes sa mga residenteng nawalan ng pangkabuhayan.

Sinabi rin ng Quezon City government na dadaan sa pagsasanay ang mga mabibigyan ng e-trikes sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety.

TAGS: COVID-19 effect, e-trikes sa Barangay Payatas, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer news, COVID-19 effect, e-trikes sa Barangay Payatas, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.