Nasa 303 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 7:15, Lunes ng gabi (June 15), sa nasabing bilang ay 83 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 51 cases.
Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 31
– Poblacion – 40
– Buli – 4
– Ayala Alabang – 32
– Bayanan – 16
– Alabang – 47
– Cupang – 34
– Sucat – 48
324 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 45 ang suspected cases.
Samantala, 185 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang nananatili sa 35 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.