Mula Camp Bagong Diwa, Col. Ferdinand Marcelino, ililipat sa PNP Custodial Center

By Donabelle Dominguez-Cargullo February 19, 2016 - 10:31 PM

marcelino1Ililipat sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si Marine Col. Ferdinand Marcelino.

Ayon kay PNP Anti-Illegal Drugs Group sapokesperson Chief Insp. Roque Merdegia Jr., habang nakabinbin ang petition for bail sa korte ni Marcelino ay sa custodial center na lamang muna ito ikukulong kasama ang Chinese National na si Yan Yi Shou.

Magugunitang kabilang sa mga nakakulong sa custodial center ay sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Sa isinagawang pagdinig sa Quezon City RTC Branch 82, iginiit ng kampo ni Marcelino na hindi ito ligtas sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Bilang kilalang “drug buster” kasi at dating pinuno ng special enforcement unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Marcelino ay nakahuli ng mga drug offenders at iba sa kanila at sa Camp Bagong Diwa nakakulong.

Sa utos ni Judge Lyn Ebora-Cacha ng Branch 82 ng QC RTC, iniutos nitong maalis sa Camp Bagong Diwa si Marcelino.

Bago naikulong sa Taguig si Marcelino at Yan ay na0detain muna sa AIDG headquarters sa Camp Crame matapos maaresto nang maaktuhan sa isang clandestine laboratory sa Maynila.

TAGS: Col. Ferdinand Marcelino, Col. Ferdinand Marcelino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.