WATCH: Mga nagbibisikleta papasok sa trabaho, dapat bigyan ng insentibo – Rep. Ronnie Ong

By Erwin Aguilon June 15, 2020 - 05:57 PM

Kuha ni Richard Garcia

Hinikayat ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang pamaalaan na bigyan insentibo ng ang mga gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho.

Sinabi ni Ong na kung mabibigyan ng insentibo ang mga nagbibisikleta papasok ng trabaho ay maaaring ma-convert ng gobyerno ang publiko sa paggamit ng bisikleta sa araw-araw na biyahe kahit pa matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal ang lahat.

Sa ganitong paraan aniya ay masosolusyunan ng pamahalaan ang polusyon at trapiko na dalawa sa pinakamalaking problema sa bansa.

Sabi ni Ong, maaring bigyan ng tax perks o food vouchers ang mga tinatawag na ‘bike-to-work’ Pinoys.

Tiyak aniyang mas pipiliin ng mga Filipino na magbisikleta sa halip na magmotorsiklo o sumakay ng public transportation papasok sa trabaho kung may insentibong ibibigay sa kanila bukod pa sa pagpapagawa ng mga “bicycle lanes” para sa ligtas na pagbyahe.

Naniniwala ang mambabatas na kung gagawa ng paraan ang pamahalaan para makalikha ng “cycling culture” sa bansa ay makapagbibigay ito ng ‘long-term solution’ sa problema sa trapiko sa Metro Manila at mababawasan din ang gastos ng gobyerno sa health care, repair, maintenance at pollution control.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: bicycle lanes, bike-to-work Pinoys, Inquirer News, new normal, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong, bicycle lanes, bike-to-work Pinoys, Inquirer News, new normal, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.