“Mr President: Nasaan na tayo sa COVID-19?” – WAG KANG PIKON! ni Jake J. Maderazo

By Jake J. Maderazo June 14, 2020 - 09:26 PM

Siyamnapung araw nang naka-stay at home ang taumbayan dahil sa sunud-sunod na ECQ, MECQ, GCQ at ang pinag-uusapan pang MGCQ o balik MECQ sa Metro Manila. Sabi ng IATF, ibabatay sa “data” ang alinmang desisyon kung palalakasin o luluwagan ang GCQ.

Sa ngayon, tayo’y number 38 sa buong mundo na merong higit 25,000 kaso, at noong Sabado,inihayag ng DOH na 244 ang “fresh cases” sa NCR, kasunod ng Region 7-Cebu na merong 85 at Eastern Visayas-53. Pumalo din sa 22 ang namatay, pinakamataas sa loob ng isang buwan at ngayo’y nasa 1,074. At paliwanag ng DOH, Mababa pa rin ang case fatality rate na 4.24 percent kumpara sa world average na 5.6 percent.

Bukas, ihaharap ng DOH, lead agency ng IATF, sa Pangulo ang “data” kung nagkakaroon ng “flattening of the curve” ng COVID-19 sa bansa. Ito raw ay pinag-aralang mabuti kabilang din ang “case doubling time at “critical care utilization rate”.

Pero, tila nagkakaroon ng pagdududa ang ilang miyembro ng IATF sa sinasabi ng DOH. Sa isang tweet, sinabi ni Dr. Tony Leachon, special adviser to National Task force COVID-19, nawalan na raw ng “focus” ang DOH, mula sa “risk communication”, “priorities”, “data management” at “execution” ng lahat ng mga plano. Dagdag pa ni Leachon, mawawalang saysay ang lahat ng ginagawa ng Task force at IATF kung hindi “real time, “credible” at “granular” ng nakukuha nilang “data”, lalo na’t buhay ng tao ang nakasalalay dito.

Kung susuriin, hindi dapat balewalain ang “kontrahan” nina Dr. Leachon at grupo ni DOH Secretary Duque. May punto ang sinasabi ni Dr. Leachon at kailangan ng magandang paliwanag.

Pero sa panahong maraming taumbayan ang nagdurusa sa kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay at matinding banta na sila’y magkasakit, ang magkakaibang boses ng mga eksperto ay indikasyon ng kahinaan ng aksyon ng gobyerno.

Si Sec. Duque na matagal nang gustong tanggalin ng mga senador ang dapat bang sisihin ngayon? Ang mga pahayag ba ni Dr. Leachon ay senyales na gusto ng National Task force on Covid-19 na gusto nilang palitan na rin si Duque? O gusto nilang ipamahala sa labas ng DOH ang data management sa COVID-19 tulad ng rekomendasyon ni UP expert Dr. Mahar Lagmay?

Kaya ba, pinag-initan ni Pres. Duterte si Duque noong nakaraan dahil sa sa naatrasong IRR ng tig-isang milyong piso sa mga nasawing health workers? Sa halip sinisi pa ni Duque ang katamaran ng kanyang USEC sa DOH, na ayon sa mga kritiko,ay isang isyu ng “command responsibility”.

Totoong lampas-leeg na ang “stress” ng taumbayan ngayon at bukod diyan, sobra-sobra silang emosyonal. Lalo na kapag hinahaluan ng ibat ibang opinyon ng “pulitika” at pagpapalaki sa mga maliit na isyu, o pagtalikod sa mga totoong nangyayari, kumakagat talaga ang publiko. Sa halip na tingnan ang magandang ginagawa ng pamahalaan sa nakaraang mga araw, ang patuloy na “agenda” ng pagpapainit pang lalo sa galit ng tao ay garapalan na rin.

Sa panig ng mga kritiko ng DOH, hindi raw klaro, hindi pang-kabuuan at hindi“transparent” ang komunikasyon nina Sec. Duque sa tunay nating sitwasyon sa COVID-19 . At sa kanila at maging sa nakapaligid kay Presidente, ito na ang tamang panahon na upang siya ay sibakin o palitan sa DOH.

Pero, sa aking palagay, malapit na ang dulo ng pandemyang ito. Magpapalit ba tayo sa gitna ng kasalukuyang unos? O kusang susuko na si Duque dahil di niya kaya ang mga pansariling “agenda” sa labanang ito? Abangan!

TAGS: breaking news, column, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer column, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer column, breaking news, column, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, Inquirer column, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer column

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.