Bagong PH fighter jets nagsilbing escort ng eroplanong sinakyan ni PNoy
Matapos ang ilang taon, muling nakapag-escort sa airspace ang Philippine Air Force gamit ang bagong fighter jets na binili kamakailan.
Sa pagbalik ng bansa ng Pangulong Benigno Aquino III kanina galing sa state visit sa US, nagsilbing escort nito sa himpapawid ang dalawang FA-50 fighter jets ng PAF.
Huli itong ginawa ng Air Force noong taong 2005.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nagsimula ang pag-escort ng fighter jets sa eroplano ni PNoy at kaniyang delegasyon mula sa air space ng Polilio Islands.
Habang sakay naman ng PR 001 ang pangulo, masaya nitong pinanood ang fighter jets na ang-escort sa kaniyang flight.
Ang dalawang fighter jets ay kabilang sa apat na binili ng Pilipinas sa Korea Airspace Industries sa halagang P18.9 billion.
Dumating ang dalawang fighter jets sa bansa noong Nobyembre at ang dalawa pa ay parating pa lamang ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.