Higit 60 empleyado ng DOJ, nagpositibo sa rapid test para sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 ang mahigit 60 empleyado ng Department of Justice (DOJ) makaraang sumalang sa rapid testing.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa 468 na empleyado ng kagawaran sa kanilang punong tanggapan, 68 ang tinamaan ng nakakahawang sakit.
Lumabas na positibo sa COVID-19 pandemic ang nasabing bilang ng empleyado ng DOJ sa ikinasang dalawang araw na rapid testing.
Dahil dito, sasalang sa swab testing ang mga apektadong empleyado.
Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng swab testing sa DOJ employees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.