Magkasunod na pagyanig naitala sa Burgos, Surigao del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2020 - 09:53 AM

Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Unang naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa 26 kilometers northeast ng Burgos alas 3:14 ng madaling araw.

May lalim na 11 kilometers ang pagyanig.

Alas 8:32 naman ng umaga nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa bayan pa din ng Burgos.

Ang epicenter ng lindol at sa layong 43 kilometers northeast ng Burgos.

May lalim na 10 kilometers ang ikalawang pagyanig.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng dalawang lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

TAGS: Burgos, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del norte, Burgos, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.