Meralco may abiso sa mga hindi pa nakatatanggap ng May bill

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 07:12 PM

Nagpaabiso ang Meralco sa mga consumer nito na hindi pa nakatatanggap ng kanilang May bill.

Ayon sa Meralco, kung wala pa ang May bill ay asahan nang magiging mataas ang June bill.

Sa June bill kasi maiipon ang konsumo base sa last actual reading date hanggang sa June o pinagsama-samang ECQ/GCQ months.

Para hindi gaanong mabigat ang pagbabayad, 1/4 lang ng current charges ang paunang babayaran ng consumers.

Habang ang natitirang 3/4 naman ay pwedeng bayaran ng installment sa loob ng 4 o hanggang 6 na buwan.

Kung nabayaran na ang estimated bills, pwedeng mag-request ng refund mula sa business centers ng Meralco o di kaya ay pwedeng ibawas sa succeeding bills.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, June bill, may bill, Meralco, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, June bill, may bill, Meralco, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.