Tulong sa nasawing Pinay seafarer at kaniyang pamilya tiniyak ng DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 03:18 PM

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong ng pamahalaan sa pamilya ng nasawing Pinay seafarer habang naghihintay ng kaniyang repartiation pauwi ng bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inatasan na niya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang licensed manning agency ng Pinay na agad makipag-ugnayan sa pamilya nito.

Pinatitiyak ni Bello ang suporta, tulong at benepisyo sa pamilya ng Pinay.

Ani Bello, ang Pinay ay umalis sa bansa noong March 2019 para magtrabaho sa isang cruise ship.

Puno aniya ito ng pag-asa at pangarap.

“The circumstances of her untimely passing need to heighten greater awareness and advocacy on psycho-social needs and mental wellness of our OFWs awaiting repatriation,” ani Bello.

 

 

TAGS: DOLE, Inquirer News, News in the Philippines, OWWA, Radyo Inquirer, Silvestre Bello, Tagalog breaking news, tagalog news website, DOLE, Inquirer News, News in the Philippines, OWWA, Radyo Inquirer, Silvestre Bello, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.