Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras
Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ngayong Biyernes (June 12) mahina hanggang katamtaman na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Laguna, Batangas, Bulacan, Cavite, Rizal at Nueva Ecija sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Quezon.
Ang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Butchoy at ng Habagat.
Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa mga naninirahan sa mababang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.