Laban sa COVID-19 oportunidad para maipakita ang likas na pagiging “magiting” ng mga Filipino

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2020 - 10:45 AM

Ang paglaban ng bansa sa COVID-19 ay oportunidad para maipamalas ang pagiging likas na “magiting” ng mga Filipino.

Bahagi ito ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ngayong araw ng Independence Day.

Sa kaniyang mensahe sinabi ng pangulo na 122 taon ang nakararaan nang iproklama ang pagsilang ng bansa.

Kinikilala aniya ngayong araw ang katapangan, kabayanihan at sakripisyo ng mga nasa likod ng demokrasya ng bansa.

Sinabi ng pangulo na sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19, oportunidad ito para maipamalas ang pagiging likas na magiting ng mga Filipino.

Hiling ng pangulo sa bawat isa, manatiling puno ng pag-asa habang hinaharap ang pandemic ng COVID-19.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, president's independence day message, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, president's independence day message, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.