Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna umabot na sa 126
Muli pang nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Huwebes, June 11 3PM), nakapagtala ng 9 bagong active cases kaya nasa 126 ang kabuuang bilang nito sa lalawigan.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 16
San Pedro (BJMP) – 59
San Pedro (PNP) – 12
Biñan (Larger Community) – 15
Biñan (PNP Custodial Facility) – 3
Los Baños – 1
Calamba – 5
Santa Rosa – 6
Cabuyao – 3
Santa Cruz – 2
San Pablo – 1
Calauan – 1
Victoria – 1
Pagsanjan – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 353.
Ang kabuuang bilang ng tinmaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 519.
Samantala, nasa 1,509 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.