Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,756
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (June 11, 3:00 PM) nakapagtala ng 26 bagong kaso kaya pumalo na sa 1,756 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 411
Laguna – 516
Batangas – 215
Rizal – 487
Quezon – 127
Nasa 954 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 19 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 160
Laguna – 333
Batangas – 138
Rizal – 237
Quezon – 86
Nanatili ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa 165.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 37
Batangas – 26
Rizal – 63
Quezon – 9
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.