3,000 drayber ng jeep sa Maynila, makakatanggap ng tig-isang sakong bigas at grocery goods
Makakatanggap ang mahigit 3,000 jeepney drivers ng tig-iisang sakong bigas na may lamang 50 kilo kada sako at grocery goods sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), sa ngayon, nasa 1,303 drayber ng jeep mula sa iba’t ibang asosasyon tulad ng Pasang Masda, FEJODAP at iba pa ang nabigyan na ng ayuda.
Iniabot ang ayuda ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTBP).
Ayon kay Mayor Isko Moreno, prayoridad ng Manila City government na mabigyan ng tulong ang drayber na hindi nakakapasada bunsod ng umiiral na general community quarantine (GCQ).
“Ang mga sektor na lugmok na lugmok na, ang mga jeepney drivers, hirap na hirap na ‘yan, kaya nagpadala tayo,” pahayag ng alkalde.
Ayon pa kay Moreno, sang-ayon siya na maibalik na sa pamamasada ang mga drayber ng jeep kung sakaling hingin ang kanyang rekomendasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.