Secret talks sa pagitan ng GRP at NDF, isiniwalat ni Jalandoni

By Kathleen Betina Aenlle February 19, 2016 - 06:45 AM

Photo from gphndfpeacetalks.wordpress
File Photo / from gphndfpeacetalks.wordpress

Malapit nang maselyohan ang kasunduang pang-kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) matapos ang mga palihim na pagpu-pulong sa Netherlands.

Ayon kay Luis Jalandoni na pinuno ng peace panel ng NDF, napirmahan na ng kanilang mga pinuno at ng isang grupo ng mga kinatawan ng gobyerno sa pamumuno ni dating Agrarian Reform Sec. Hernani Braganza ang isang draft peace agreement noong December 8, 2014.

Ani Jalandoni, tumungo ang grupo ni Braganza sa The Netherlands noong Pebrero, Oktubre at Disyembre ng taong 2014 para sa mga informal talks kasama ang peace panel ng NDF, na isang umbrellaorganization ng underground leftist groups na sumusuporta sa communist insurgency.

Ang draft peace agreement aniya ay pinatotohanan ng isang Royal Norwegian government special envoy na si Elisabeth Slattum.

“Truce and cooperation within the term of the Aquino government” ani Jalandoni ang layunin ng nasabing dokumento.

Bumalik aniya ang grupo ni Braganza noong February 18, 2015 at gumawa ng proposal for truce and cooperation ang parehong partido na siyang ipi-presenta sa pamahalaan.

Isiniwalat ni Jalandoni ang mga detalye ng mga nasabing secret talks sa pagitan nila ng pamahalaan makaraang akusahan sila ni presidential spokesperson Edwin Lacierda ng kawalan ng interes na ipagpatuloy ang usaping pang-kapayapaan.

Payo niya kay Lacierda, alamin muna ang mga facts bago magbitaw ng mga maling pahayag na tumatanggi ang NDF na makipag-kasundo sa pamahalaan.

TAGS: gph ndf peace talks, gph ndf peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.