Education Sec. Leonor Briones may abiso sa pagbili ng gadgets ng mga bata

By Jan Escosio June 11, 2020 - 10:41 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Nagbilin si Education Secretary Leonor Briones sa mga magulang na nagbabalak ng ibili ng gadget ang kanilang mga anak na gagamitin sa ikakasang e-learning.

Sabi ni Briones huwag munang ibili ang kanilang mga anak ng cellphone o laptop ang kanilang anak.

Aniya magpapalabas sila kung anong specifications ang kailangan para sa online home schooling.

Ayon sa kalihim batid nila na may mga naglalabasan ng mga gadget na inaalok ng mura o sa easy payment scheme.

Katuwiran niya baka bumili ang mga magulang ng mura nga ngunit hindi aayon sa ilalabas nilang minimum specifications at kinalaunan ay hindi rin mapapakinabangan ng bata.

Pagtitiyak din ng kalihim na magbibigay din sila ng gadgets sa mga guro para sa gagawin nilang new normal education.

 

 

TAGS: blended learning, deped, gadget for kids, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, blended learning, deped, gadget for kids, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.