Masbate niyanig ng 4.8 magnitude na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo February 19, 2016 - 06:21 AM
Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang lalawigan ng Masbate ala 1:49 ng madaling araw ng Biyernes, Febaruary 19.
Naitala ang epicenter ng lindol sa 19 kilometer north west ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs naramdaman ang intensity 4 sa Masbate City at bayan ng San Jacinto, intensity 2 sa bayan ng Sorsogon, at intensity 1 naman sa Iriga City at Roxas City.
Samantala, alas 4:50 ng umaga, naitala ang 4.7 magnitude sa Laoang, Northern Samar.
Wala namang naitalang intensity sa nasabing pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.