19 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Eastern Visayas
Nadagdagan pa nang 19 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ayon sa Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EV CHD) naitala ito sa nakalipas na 24 oras.
Sa 195 sample results na inilabas ng Eastern Visayas Regional COVID-19 Testing Center, 177 ang lumabas na negatibo habang 18 ang positibo sa nakakahawang sakit.
Sa resulta naman mula sa Divine Word Hospital Virology Laboratory, 62 ang negatibo at tatlo ang positibo sa pandemiya kung saan dalawa rito ang repeat swab test.
Ang 19 na bagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa mga sumusunod na lugar:
– Pastrana, Leyte – 1
– Baybay City – 6
– San Isidro, Northern Samar – 6
– Ormoc City – 5
– Calubian, Leyte – 1
Dahil dito, umabot na sa 72 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Eastern Visayas hanggang June 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.