Health workers na nagpositibo sa COVID-19, 2,741 na – DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong panibagong healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,741 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 8.
Sa nasabing bilang, 1,111 ang aktibong kaso kung saan 123 ang asymptomatic, 987 ang mild at isa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 738
– Nurse – 1,008
– Nursing Assistant – 180
– Medical Technologist – 110
– Radiologic Technologist – 58
Nasa 349 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,598 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 9.
Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.