71 patay sa banggaan ng bus at truck sa Ghana, West Africa

February 19, 2016 - 04:16 AM

 

Mula sa FB/Azongo Albert Latif

Patay ang 71 katao makaraang magbanggaan ang truck at pampasaherong bus sa bayan ng Kumasi, sa bansang Ghana, West Africa.

Karamihan sa mga nasawi ay mga pasahero ng bus.

Bukod sa mga namatay, 13 pa ang kritikal ang kalagayan sa ospital.

Sa imbestigasyon, patungo ng bayan ng Tamale ang Metro Mass Transit bus mula sa Kumasi nang bigla itong bumangga sa kasalubong na truck na puno ng kahun-kahong kamatis.

Sa tindi ng head-on collision, hindi na makilala ang maraming biktima na namatay agad sa mismong lugar na pinangyarihan ng trahedya.

Ilan pa umano sa mga biktima ang tumilapon ilang metro ang layo sa lugar at ang iba naman ay naipit pa sa loob ng sasakyan.

Hinihinalang ‘mechanical’ failure sa panig ng bus ang dahilan ng banggaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.