34,000 na taxi at TNVs aprubadong bumiyahe sa pag-iral ng GCQ ayon ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2020 - 11:08 AM

Mahigit 34,000 na taxi at TNVs ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe sa pag-iral ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon sa LTFRB aprubado ang pagbiyahe ng 18,813 TNVs units at 16,403 na taxis.

Ang pagbabalik ng mga taxis at TNVS units na mula sa iba’t-ibang Transport Network Companies ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) 2020-018.

Sa pagbalik operasyon, sinabi ng LTFRB na walang taas-pasahe para sa mga aprubadong taxi at TNVS units, at cashless na transaksyon lamang ang papayagan bilang paraan ng pagbabayad.

Kinakailangan ding magsuot ng face mask ang mga pasaherong sasakay sa mga nasabing units.

Ipinapaalala ng LTFRB sa mga operator at driver ng mga taxis at TNVS na sundin ang mga protocol na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask at gloves, paglilinis at pag-disinfect ng unit bago at pagkatapos ng kada biyahe o kada dalawang oras, paglalagay ng harang gawa sa non-permeable at transparent na materyales, at pagsunod sa passenger seating capacity.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, ltfrb, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taxis, TNVS, covid pandemic, COVID-19, department of health, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, ltfrb, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taxis, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.