SMC nag-donate ng high flow nasal cannula sa National TF COVID-19
Nagbigay ng 45 high flow nasal cannula ang San Miguel Corporation sa National Task Force-COVID 19.
Ito ay bahagi pa rin ng suporta ng SMC sa laban ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Sina SMC Vice President for Corporate Affairs Kin Lichauco at SMC Vice President for Procurement Rose Liaoanag ang personal na nag-abot ng mga donasyon kay NTF Chair at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lichauco inaasahan nilang makatutulong sa mga pampublikong ospital ang nasabing donasyon.
Nagpasalamat naman si Lorenzana kay SMC President Ramon Ang sa patuloy nitong pagsuporta sa pamahalaan.
Ang SMC ay nauna nang nagbigay ng high flow nasal cannula sa Philippine General Hospital.
Nakatakda ring tumanggap nito ang Vicente Sotto Memorial Medical Center Sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.