Operasyon ng DOLE Central Office sa Maynila, suspendido hanggang June 9
By Angellic Jordan June 08, 2020 - 03:27 PM
Tigi-operasyon muna ang Central Office ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Sa abiso ng kagarawan, epektibo ang suspensyon ng operasyon simula 3:00, Lunes ng hapon (June 8) hanggang sa araw ng Martes, June 9.
Paliwanag ng DOLE, magsasagawa ng regular disinfection sa buong pasilidad ng kagawaran.
Kasunod nito, pansamantalang hindi makakatanggap ng mga tawag sa DOLE Hotline 1349 sa kasagsagan nito.
Magbabalik-operasyon ang DOLE Central Office sa araw ng Miyerkules, June 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.