Blended SONA ni Pangulong Duterte, pinag-aaralan ng Palasyo

By Chona Yu June 08, 2020 - 02:08 PM

Tinatalakay na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkakaroon ng blended State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hulyo.

Ito ay bilang pagtugon na rin sa mga inilatag na health protocols kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroong blended education ang Department of Education (DepEd), mayroon namang blended SONA ang Pangulo.

“That’s being discussed. I think kung meron tayong blended learning we will also have a blended SONA,” pahayag nj Roque.

Sa ilalim ng blended education, magiging online o sa internet na lamang ang gagawing pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante para masiguro ang social distancing at makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Roque, maaring sundin ito ng Palasyo at gawin ang blended SONA sa Hulyo.

Isinasagawa ang SONA ng Pangulo tuwing huling Lunes ng Hulyo kada taon.

TAGS: Blended SONA, Blended SONA of President Duterte, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Blended SONA, Blended SONA of President Duterte, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.