Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong buwan
May bawas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Hunyo.
Sa abiso ng Meralco, P0.02/kwh ang bawas sa singil.
Ito ay bunsod ng paggigiit ng Meralco sa force majeure provision sa kontrata sa mga planta ng kuryente.
Ang bawas ay magre-reflect sa June bill ng consumers.
Para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour, P4 ang bawas sa kanilang bill.
P6 naman ang bawas sa bill ng mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour.
Habang may bawas na P8 ang mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour.
At P12 ang bawas kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.