LOOK: Mga lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura, June 6
Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang 6 na lugar sa bansa kahapon Sabado, June 6.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 38.0.4 degrees Celsius.
Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
San Jose, Occidental Mindoro – 38.0 degrees Celsius
Tuguegarao City – 37.5 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 37.1 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 37.1 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.