Dalawa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang dalawa pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 7, umakyat na sa 125 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 40-anyos na lalaking residente ng San Joaquin, Iloilo
– 28-amyos na lalaking residente ng Lezo, Aklan
Sa ngayon, nakasailalim ang dalawang bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, nanatili naman sa 88 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Nasa 11 naman ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.