Sen. Go, saludo sa PhiHealth sa mabilis na aksyon sa panawagang ibaba ang singil sa COVID-19 test

By Chona Yu June 07, 2020 - 02:53 PM

Sinaluduhan ni Senador Christopher “Bong” Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa mabilis na pag-aksyon sa panawagan na ibaba ang singil sa COVID-19 test.

Mula sa P8,150, nasa P3,409 na lamang ang dapat na bayaran para sa COVID-19 test.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, malaking ginhawa ito sa bawat Filipino.

“I am commending PhilHealth for their immediate response in cutting the cost of COVID-19 test as it provides us a wider coverage for all Filipinos who need to undergo testing in this time of health crisis while maximizing limited government resources,” pahayag ni Go.

“Sa pagbaba ng cost ng COVID-19 test, mas makakatipid ang gobyerno at mas mabibigyan tuon pa natin ang mga health services na kailangan din nating i-address o dagdagan bukod sa COVID-19 testing lamang,” dagdag ng Senador.

Bukod sa test, pinababantayan din ni Go ang presyo ng iba pang health services.

Sa ilalim ng bagong scheme, babayaran ng Philhealth ang P3,409 na COVID-19 test basta’t gagawin ito sa testing laboratory.

Kapag donasyon naman ang ginamit na test kits, babayaran ito ng PhilHealth nang P2,077.

Kapag sa public hospital naman, babayaran ito ng PhilHealth ng P901.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 test, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, philhealth, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 test, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, philhealth, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.