Heat index sa Metro Manila pumalo sa 40 degrees Celsius, June 6
By Mary Rose Cabrales June 06, 2020 - 10:31 PM
Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Sabado (June 6).
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon alas-12:00 ng tanghali.
Umabot naman sa 35.6 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.