13 pang Filipino sa abroad ang gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa 13 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 6, umakyat na sa 2,225 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 5,369 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 49 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,781 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, dalawa ang pumanaw pa kung kaya 363 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,349 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 838 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 657 naman ang kaso sa Americas at 521 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.